Ang isang naghahanap ng trabaho (maaaring hindi pa nakapagtrabaho, o walang trabaho sa kasalukuyan) ay
binibigyan ng salapi upang malaya siyang makadalo sa mga programang pagsasanay, kung saan ang kanyang
training record ay sistematikong ginagabayan.
Ang maximum na tulong para sa bawat isa ay KRW 2,000,000. Ang perang ito ay dapat gamitin sa loob ng isang
taon pagkatanggap nito. Ang bawat isa ay maaaring makatanggap nito bago siya makapagtrabaho. Kung
kumukuha siya ng kursong pagsasanay, ang pamahalaan ang magbabayad ng 50-80% ng gastusin para dito
habang babayaran naman ng nagsasanay (trainee) ang 20~50% ng bayarin para sa pagsasanay. Para sa mga
nagsasanay na nasa Type 1 of Successful Employment Package, ang account limit ay KRW 3,000,000, at hindi
na nila kailangan pang bayaran ang anumang gastusin. Para sa mga nagsasanay na nasa Type 2 of Successful
Employment Package, kailangan nilang magbayad ng 10-30% ng gastusin para sa pagsasanay.
Para sa mga nagsasanay, maaaring makita ang iba pang detalye hinggil sa mga kurso at mga diskwento sa website ng Ministry of Employment and Labor(http://www.hrd.go.kr), o tumawag sa 1350.
Upang makatanggap ng suporta, kailangang walang trabaho (maaaring hindi pa nakapagtrabaho o nawalan ng trabaho). Upang makapagbukas ng account, kailangang bisitahin ang Employment Center na malapit sa inyong tirahan. Para sa iba pang detalye, bisitahin ang website(http://www.hrd.go.kr), o tumawag sa 1588-1919 [extension: 1].
Kung ang natitirang balanse ay maliit kaysa sa government subsidy limit para sa kursong nais aralin, hindi maaaring kuhanin ang kurso. Kahit pa natuloy na ang pagbabayad, mawawalang-bisa ito kapag binisita na ang HRD-net. Ang account ay mapapaso 1 taon matapos itong maibigay. Ang petsa ng pag-isyu ay tumutukoy sa petsa sa Employment Support Center kung kailan ibinigay ang account. Matapos ang expiration date, mawawala na ang natitirang balance. Subalit maiiwan pa rin ang inyong virtual account upang makita nyo pa ang inyong training history.